Oh no.. :(

Isa akong pangkaraniwang mamamayan ng Pilipinas, walang ibang hangad kundi ang makamit ng ating bansa di lang ang pagiging malaya kundi pati ang pag-ulad. Naniniwala ako, na hindi pa naman huli ang lahat. May kakayahan pa rin ang bansa na maiahon ang sarili nito sa kahirapan. At muling mabalik ang dati nitong ningning. Sa una, pawang gobyerno lang ang may sala kung bakit nalulugmok tayo sa kahirapan. Marami sa atin ang iniisip ang hindi magandang palakad. Talamak na korupsyon. At paggugol ng mga pondo sa mga kung ano anong bagay para lang magkaroon ng tinatawag na KICKBACK.

Gayunman, nasubukan na ba nating itanong sa ating mga sarili ang mga nagawa natin sa ating bayan? Napakahirap sagutin hindi ba? Sapagkat mas madali, at mas nanaiisin pa natin ang punahin ang kamalian ng iba kaysa itama ang mga kamalian na ating nagawa. Sana lang sa mga susunod na taon ay makahabol na muli tayo. Maibalik ang sigla ng agrikultura. Buhayin ang turismo. Bigyang pansin ang mga imbensyon ng mga Pilipinong imbentor. Pangalagaan ang likas na yaman. Tangkilikin ang sariling atin. Para sa akin, walang mangyayari kung patuloy nating pupunahin ang isa’t isa. Pagkat magdudulot lamang ito ng pagkapoot. Mangyayari lamang ang mga ito kung maniniwala tayo. Kung kikilos tayo at gagawa ng paraan upang tayo’y umunlad. Magtutulungan at hindi dadaanin sa dahas ang lahat ng bagay.

Lahat ng mga nababalitaan nating mga negatibo sa ating bansa ang magsilbi sanang daan upang mamulat ang ating kaisipan ukol sa kalagayan ng ating bansa. Matulungan nawa natin ang bawat isa na maibalik ang dating Pilipinas. Kailangan umaksyon tayo gawin natin ang ating makakaya upang matulungan natin ang ating bansa.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s