Rule #32 Have fun with the little things

Bakit mo kailangang malugmok sa kalungkutan, kung ano man iyang
pinagdadaanan mo ay makakaya mo ding malampasan. Kung sa tingin mo
napapagod ka na? Pilitin mo pa ring matapos ang lahat at gawing masaya
ang buhay mo, minsan ka lang mabubuhay kaya pilitin mong maging maligaya
dahil mas maraming taon pa o habang buhay ang iyong pagpapahinga…Ang kapayapaan ay makakamit natin kung alam natin sa sarili natin kung
paano natin papalayain ang ating sarili sa mga bagay bagay na siyang
nagpapahirap sa atin. Minsan hindi agad natin maunawaan kung saan ba
tayo nagkulang o kung ano ba iyong kulang? Bakit hindi mo subukang
hanapin ang kaligayahan kaysa naman patuloy mong hinahanap ang
pagkakamali sa sarili mo. Sa ganoong paraan maaari nating mahanap ang
kapayapaan sa ating sarili.

Makakamit mo ang kaligayahan kung sisimulan mo ang pagiging masaya sa
iyong sarili. Mas madaling gawin ang pagpapakasaya kaysa ang paglulugmok
sa problemang madali naman malagpasan.

Hindi mo mahahanap ang kaligayahan hanggat hindi mo ako nakikita
:))

I’m
doing nothing but loving you secretly…

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s